Wednesday, December 5, 2007

BPS II-2...'awoo.. awoo.. awoo'




Ako ay may isisiwalat sa inyo
Isang tinatago-tagong bagay ng aming grupo
Sana’y mamulat kayo sa pagsisiwalat kong ito
Nawa ay magiwan ito ng marka sa inyong isip at puso.

Isang tula patungkol sa aking napupuna.
Walang halong kasinungalingan ito’y base sa aking nakikita.
Walang personalan, ako’y walang balak manghiya..
Tama na..heto na at sisimulan ko na..

Kapag maaga ang klase, laging nangunguna si France Requizo,
Kasunod si Brian na nakauniform pero alang polo.
Biglang papasok si Bhenmar na mahilig mamburaot habang hawak ang telepono,
Tapos ang running for honors/debater/future leader na si Rachael Seso.

Kapag may assignment... bestfriend ng lahat si Maricel Villocillo,
Na sanggang-dikit ni Rosecore na sobrang makwento
Biglang eepal si Fusi para gumawa ng diskurso
Sabay entra ng ever trusted president na si Jess..si Fusi, ayun barado.

Isa pa sa mahilig dumiskurso ang laging walang assignment na si Felix Lledo,
Kalaban si Welfs-ang valedictorian na boksingero..basta, certified probinsyano.
Sisingit naman si SK Kagawad Larry upang magrap, magharlem at humingi ng respeto
Kasakasama si heartthrob Melvin…ubod ng gwapo, kaya lang kalbo.

Kung alang prof, andyan si Jei na masayang nagwawala
Kakulitan si Reyjel na cute pero isip bata.
Tatawa naman ang seryoso, mataray, mailap, at moody na si Sonia,
Katabi si Villados-ang medyo chubby na exbokalista ng banda.

Speaking of kantahan, ang lupang hinirang singer na si Kat ay di papahuli,
Katunggali ang super kikay power belter na si Rosalie.
Makikijam naman si Laine na mahilig maningil ng load with matching ngiti,
Naku, parang si Fatima, makulit maningil kaya barado sa marami.

Announcements? Di nauubusan niyan ang debating treasurer na si Erika,
Kung kulang ay daragdagan pa ni Careen na chikadora.
Ayan, updated na si Jasmine na “its better late than never” ang drama,
Pati na rin ang kakosa sa pagiging late na si Ehdz-ang liberong fashionista.

Sa larangan ng pagpapatawa, ang super impersonator w/ a hard to pronounce name Vrieloukarl ang bida.
Sa larangan ng pinagtatawanan, ang pormalpormalan at EMOng si Don ang kawawa.
Teka, masyado ng maingay, nakataas na ang kilay ni Pravis-ang aming Donya.
Na lagi namang barado kay May-ann na “habang bata, maghabulan sa ulan…dahil minsan lang sila bata” ang fave na kanta.

Loveteam? Di papahuli si Chen na isang frustrated ina,
At ang asawang phantom na si Erik-ang tatay na adik sa dota.
Nariyan din ang Emo na si Sam Clarence na may pagkakulit sa pagpapatawa,
Kaya naman highblood ever ang superduper faithful girlfriend na si Lucilla.

Kung may surprise quiz, ang interpretetatib dancer na si Papciel ay kabado,
Pati na rin ang supplier ng yellowpaper na si Keith, na ang response ay i don’t know
Ba’t di kayo gumaya sa baklabaklaang si Jordan na tinutulugan lang ang guro,
Kaya tuloy alang makopyahan itong si Jacob-ang tabachinching na simpleng bolero.

Kapag may discussion, si captain barbell Kennedy ay laging pabibo.
Pero sa pulis pangkalikasang si Cyrus, siya’y laging tablado.
Mas lagot na pag ang on-diet apo chickmagnet Mayer ay nakitarantado
Kasama pa ang bokalistang komedyanteng experiensadong basketbolistang entertainer na f4 na si Dan na pinakabeterano sa grupo.

Sa wakas natapos ko na rin ito
Pero teka, parang may kulang, parang di pa ko kuntento.
Isama ko na rin kaya dito ang paborito naming guro,
Para todo-todo na itong ginawang pangookray este pagkukwento.

Kahit na iba’t-iba kami ay may one thing in common parin ang grupo
Ito ay ang paghanga at pagkilala sa paborito naming guro.
Isang lalaking matalino, maginoo..kalog, mabilog..chubby, mayosi pero sukdulan ng gwapo
Ilalantad na natin sa publiko……..Mr. Sanjay Claudio.

Ayan tapos ko nang ipakilala lahat ng miyembro.
Siguro’y nabigyan ko kayo ng ideya kung gaano kasaya pumasok saming departamento.
Pero teka, may isa pang espesyal na tao na kulang sa tulang ito.
Ang taong nasa likod ng obrang ito..at iyon ay ako.

Sana ay nagustuhan at kinagiliwan ninyo itong ginawang tula
Sana ang bawat linya ay nagdala ng ngiti sa inyong mga muka.
Ito’y tanda ng pasasalamat ko sa lahat ng kaibigang nakilala’t nakisalamuha.
Maraming salamat.!Huling banat ng maygawa..huling banat ni Keene Adriel Villanueva..







8 comments:

Anonymous said...

woi keene...
nbsa q ang iyong npkgandang obra maestra...
nka2twa nman at nkgwa k ng gnitong bgay...
lubos kitang hinhangaan s iyong npkadakilang gwa...
naway mkpgbigay kp ng iba't ibang nakatuwang experensya...
ashan mong akoy laging bbcta s iyong blog...
akoy lubos ding ngpa2slmat s iyong pki2nig s akin...
naway ay patuloy p ri taung mgng mgkaibgn...
slamt sayo aking kaibgn!!!
naway patnubayan k ng panginoong maykapal s lht ng bgay at desisyon n iyong ggwin...

Anonymous said...

Witty...Funny...Outrageously fantastic! job well done... but i'll be expecting your comments....

Anonymous said...

..hmmm.. kalungkot naman, hindi na namn kasali and mga irreg.. joke lang.. ( joke are half meant!!)..hahahaha.. nice one..

Anonymous said...

ang galing mu naman! kala ku sayaw darling lang ang alam mu! ang galing talaga... APPLAUSE! Praktis bukas ah..mumwah

Anonymous said...

ang danda danda nmn ng poem n yan..

i love it!! hehe..

tnx sa patuloy na pag tangkilik sa aking negosyo na autoloadmax!!! hehe..

gawa ka pa ng isa pang poem na bonggang bongga!! mwah..

Anonymous said...

uy keene,,
ang ganda ng tula m!!
grabe dpt k manlo ng palanca award!!
kelan b mtu2loy ang pgma2hlan n10?!
haha!!

Anonymous said...

psst.. nkita q ung napakaganda mung tula.. hinaupak ka.. isiniwalat mo pa ung kay angel.. alam mu bang secret lang un? haha.. newei, ang ganda! hanga na q sau.. shet ka! anong klaseng utak meron ka? ano raw?! haha.. ganyan mga pol sci.. guapo na, magaling pa.. nga pla, nilagay q sa friendster q ung tula mo.. kaso mejo binago q ung sa men ni erick.. secret nga lang kz ung sa min eh.. lam mo na.. salamat!

adiay said...

...ui baklitah cge nah mgling kn...

sus ian lng bha pngm2laki mu...

hahahah^^

kea q dn ian...

nweiz kht auq sbhn nice work.,.,.

hmmmm nainsprd 2lui aqng igwa kah ng kntah...

hahaha modelong baklitah title,,,

boom^^